TIPS PARA PANSININ NI CRUSH
1. Iwasang maglike sa mismong status at picture. Ilike
lang yung mismong reply niya sa mga comment para
solo mo ang notification.
2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka
matabunan lang ng ibang likers kapag nakisabay ka.
Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak
season. Magcomment 4 hours after.
3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam
ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng
‘someday’ para hindi magmukhang atat.
4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima
muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para
may tira pa. Tandaan, ang kalandian binubudget din.
5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike
dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa
instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang
instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge
sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.
6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong
makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicite lang
sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang
friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong
lang.
7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya.
Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang
bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang
when scrolling.
8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang.
Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALa
plapinMoKoHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Gets na niya yun.
9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang
jacket hindi yung puro ka“Musta?”. Isang ice-cold na
“Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak
mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang
tabo.
10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may
hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng
‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay
PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame! Alam ng lahat
na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘
11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di
na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala
siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya
gusto.
12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain
mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya
nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.
13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong
hayaan ang sarili mong makarating sa proflie niya
until the date he started joining FB. Hindi yan
pantawid-gutom. Magsaing ka muna.
14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din,
ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang
kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag.
Pakyuhan mo sabay unfriend.
-Kate Remollo-
v. Nakalimutan ko~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento